Isang araw, mga alas-3 ng hapon, pumunta si Bosing sa kwarto ko, at sinabihan ako na lalakad kami at may i-do-drowing ako. Sa Hard Rock Cafe. Hmmmm.....bago ito..sosi....(nuong 1980s kasi, isa lang ang Hard Rock, sa may Ermita, yun ang orig.) Okey po, sabi ko, at maya-maya pa ay niyaya na ako sa kotse niya. Itong si bosing, medyo bata pa nuon, ay galing sa angkan ng mayaman sa Bacolod. Tawagin natin siyang Rolly boy....hehe....
Si Rolly boy, antulin magpatakbo ng kotse. Naninigarilyo ng Malboro, pero ayaw niya ang kausap niya ay naninigarilyo: mabaho daw. Pero siya, hindi. At kahit matrapik pa-Maynila, nakarating kami dun ng less than 1 hour. Pero dun kami tumigil sa may Mapua sa Intramuros. Me dadaanan daw siya. So, antay ako sa kotse, na kabilin-bilinan niyang 'wag ko raw pakialamanan ang stereo. Antay ako, at dumilim na. Mahigit isang oras na, mga 6 ng gabi, ng bumalik siya, at me kasama pero hindi sila sumakay. Seksi si babae, at sabi "Rolly, wont you join us?" "Nope, I still have a job to do. Enjoy Freddie!" sabi ni Rolly boy. Si Freddie Webb pala kasama at yung babaeng seksi ay si Carmi Martin pala. Galing sa shooting ng Chicks to Chicks na palabas nuon sa TV sa Channel 13. Aba, lintik din itong si Rolly boy, shobiz!!!.(Sa tutoo lang po, di po showbiz mukha ni Rolly...well..pede po sa Regal Shocker...)
![]() |
Model lang po itong babae sa photo....ganda noh.. |
"Eto si Paul, ang aking chief artist designer.". "Hi Paul"...Open arms ako....alang beso-beso.. "Helo po Ma'am."....yun lang nautal ko kasi talagang maganda ang babayi....."Me ipagagawa ako kay Paul, so, okey na ba?" sabi ni Rolly. "Okey na, it is ready upstairs" anya ni magandang babayi..
Umakyat na kami at sa taas, mas maganda ang design. Me pating na nasa ceiling, neon ang lights, medyo madilim, pero parang 'asa Amerika na ako. Pers taym ako makapasok dun. Itinuro sa akin ang isang parang furniture...ng lapitan ko, jukebox pala. Wurlitzer!!!! (Sa kapakanan ng mga totoy at nene, ang jukebox ay isang aparato na kung saan nandun ang mga plaka. Ang plaka ay parang cd pero mas malaki, kasinlaki ng plato.Maghuhulog ka ng barya sa jukebox, me pipindutin ka na button para mapili mo mga kanta, at kapag okey na, press mo ..hindi enter..play..yun..tugtog na.) At ang Wurlitzer ay isang kompanyang amerikano na gumagawa ng musical instruments at pati nga jukebox. Sikat ito, at maganda , at kung meron ang lolo mo na Wurlitzer, kunin mo na at napakamahal niyan!!! (Wag mo kunin, hingin mo..antique yan, pati lolo mo....)
Sampol ng isang Wutlitzer Juke box mula sa isang imahe sa google |
So, sige, banat ako, sukat, drowing, rough lang, yun maiintindihan ko.Sa opisina ko na aayusin. Inabot ako ng 9pm. Umpisa na ng inuman. Me waiter na nakatanga sa tabi ko. Sabi ko "Me binilin boss ko, kung me gusto ako orderin." "Oo" sabi ni waiter, "bigyan ka daw Pepsi" ."Yun Lang?!?!?!" "Oo, at kung oorder ka spagheti, ilista daw at resibuhan, at ipadala sa iyo, para mabawas daw sa sahod mo.." putris...... loko talaga itong si Rolly boy.....
Di ko na hiningi ang softdrinks, at tinapos ko na ang drowing. Naglakad ako mula Ermita hanggang sa Taft avenue. Sumakay akong jeep papauwi. Meron pa akong extra-bantay-pitaka kaya umabot ako. Mga magaalas-onse na ako dumating. Kumain, natulog....zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Sa madaling kwento, nagawa ko ang final drawing, lahat ng angulo, front, top, back, left side, right side, complete details with actual measurments, pati yung mga korte.Asar ako ke Rolly boy, kasi, ginabi ako, nagutom, wala namang extra pay. Tumagal lamang ako dun ng isang taon lang, dahil nakakita ako ng ibang mapapasukan. Tatlong taon na akong wala duon pero pinababalik pa niya ako, at ino-offeran ng malaking sahod, pero di na ako bumalik.
Sa pagninilay-nilay ko noon, hindi siya okey na boss. Kung inalagaan niya ako, baka tumagal ako sa kanya. Gusto ko ang work, at maayos ang mga kasama ko, pero parang wala siyang paki sa empleyado niya. Ang importante sa kanya ay ang kita ng kompanya niya at ang sarili niya. Pero teka.....meron din palang maganda. Sa kanya ko pala natutunan ang pagsukat ng isang 3d na bagay sa pamamagitan ng papel. Sa kanya ko natutunan ang iba't ibang estilo at paraan sa paggawa ng models. Sa kanya ko natutunan ang detelyado at maayos na presentasyon ng isang drawing. Gumamit ng sari-saring mechanical drawing instruments, magbasa ng vernier caliper. Gumamit ng plastic moulds at gumawa ng isang modelong miniature na John Bull Train na ipinadala sa Smithsonian Institute sa Amerika... Natuto pala akong magtiyaga, na kahit gutom, ay dapat gawin ang trabahong utos ng amo. At gawing maayos ang trabaho, kahit asar ako. At sa kanya ko rin natutunan na huwag basta maniniwala sa sinasabi ng boss mo....Okey din pala si Rolly boy...
