Eh sino naman di makakakilala ke Mona Lisa? Hinde yang nagtitinda ng sigarilyo dyan sa me labas ng gate ng PUP, matanda na yan. Ang tinutukoy ko ay ang Obra ni Leonardo da Vinci, yung babaeng nakangiti (depende sa iyo kung anong klaseng ngiti ang dating). Kakaiba daw ito, at di mo nga malaman kung anong nasa isip ni Mona Lisa (na kilala din sa tawag na La Gioconda ).
"Bahay ni Lola" , Acrylic on canvass |
"Jesus" Impasto, Board Panel |
Sa ating buhay, parang canvas. (Parang kanta ano..) Nagsimula ang buhay na isang maputi, at malinis na canvas. Kung ano ang gagawin ko, yun ang magiging resulta. Pwede kong lagyan ng bulaklak, ng araw, ng matitingkad na kulay at kapag natapos, isang larawan sa canvas na kaaya- aya tingnan. Pwede rin namang gawin kong abstract ang larawan, yun bang ako lang ang nakakintindi. Kapag magulo ang buhay, parang abstract. Walang makaintindi sa iyo, at mahabang usapin para maintindihan ka. Pero kahit papaano, meron pa din makakaintindi.(Yun kagaya mong abstract din ang utak). Pwede rin gawin kong fantasy art, na laman lang ng pantasya ang guhit sa larawan. Meron din ganitong tao, na palaging nabubuhay sa pantasya: Tingin niya ay kakaiba siya sa lahat. Puwedeng ipinta ko ay isang madilim at magulong artwork, yun tipong pang- horror ang dating, gothic, macabre. Yes.Madilim na buhay. Pero palagay ko, mga bampira lang ang titingin dun.........
Ang pagpinta sa canvas ng ating buhay ay nasa sa ating sariling desisyon.Kung ipipinta ang ating buhay, mas mainam na ito'y malinaw, maiintindihan ng kapwa, makapagbigay kasiyahan sa mga tao, makatulong (kung maganda ang painting, madami bibili di ba, palangga?), at higit sa lahat, sana yun makagbibigay papuri sa gumawa ng canvas. Oo, minsan, kahit maganda ang pagkakapinta, nadudumihan ito, naluluma, kinakapitan ng grime, ng soot, at kung anu-anong anik-anik dyan (elements of nature, ika nga). Pero tingnan mo si Mona Lisa (hindi nga yang nagtitinda ng sigarilyo sa PUP!!!), yun asa Louvre Museum. 14th century pa yun!!!! Kahit madaming anik-anik sa paligid, wa-epek yan mga duming yan. Ang masisilayan ay ang magandang larawan sa canvas ng ating buhay. At nais ba nating makilala na isang abstract na larawan? isang fantasy? horror? o ng isang magandang landscape o portrait na mala- Mona Lisa? Palagay ko ay pare-pareho tayo ng iniisip........
(Wag lang magpantasya na kamukha si mona lisa....)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento