Teka, bakit ba sa iba, medyo nadudumihan sila sa salitang ito? Ewan ko. Maaring binigyan nila ng ibang connotation. Pero sa isang artist na katulad ko, kahit tagalog, mas tinatawag naming brush at brushes ang gamit namin kaysa brotsa. Kapag tinawag naming brotsa ang brosta (ang coolet), yun yung ginagamit naming pang-alis ng dumi sa electric fan o dili kaya, yun pampahid ng puting kalburo sa nitso.(kaluluwang tambing....)
Iba-ibang hugis ang brush ng artist:
1. patulis o rounded-eto ang pang detalye
2. flat- eto ang pampahid ng pintura ng mabilis at maraming area ang mapipintahan
3. bright-parang flat pero mas maiksi ang bristles nito. ginagamit ito kapag gustong mas malapot ang ilagay na pintura o kapag impasto ang istilo
4. filbert-parang flat pero medyo kurbado dulo. pede itong pamapahid kagaya ng flat at makagagawa ng mga pintang detalye sa brotsang ito
5. angle- parang filbert, pero ang dulo ay angle shape
6. fan- parang pamaypay ng duwende, na madalas gamitin pang pinta ng mga ulap, damo (dili maryjane), at pagpinta ng malalapad na area.
7. Andyan din ang iba pa - liner, rigger, mopper....nakakatuwang pangalan ano...pero di nakakatuwa ang presyo.hmpp!!!
Iba-iba rin ang size ng mga ito, mula maliit-palaki. Ngayon, sa tatak, marami ito. Natural, yun gawa sa labas, lalo na from Europe o States, mahal ito. Me brush na libo ang presyo. Me brush din local o Tsina. Mas mura. Pero ano ang sikreto ng magandang brush? Una, dapat itong magandang kumuha ng pintura, yung sumisipsip ng maayos. Tapos, hindi ito nangunguluntoy kapag basa! Dapat, maganda pa rin ang porma, yun para bang ala siyang dalang pintura. At maganda ang "bounce back"-yun pag pinahid mo, mag bounce back sa original form. Nakikita niyo ba mga patalastas ng shampoo? Ganun, parang buhok ng tao ng nag ba-bounce-back. At ang abilidad nitong humawak ng pintura. Hindi maganda yung tutulo ang pintura ng basta-basta, na para bang sipon na di mo pa sinisinga, tutulo. Bad Trip di ba? At kapag pinahid mo na, maganda ang bigay na tulo nito. Paano ka pipili? Op kors my friendship, I recommend buying good quality brushes. Kahit di ka pa marunong magpinta, pero hilig mo, mag-invest ka nito. Marami ka mapipili sa mga art supplies sa mga naglalakihang department stores. Mahal ito ha, lalo na yung natural hair ( buhok ng squirrel, kabayo, o kambing) kaysa synthetic (nylon). Wag na wag balaking kunin ang wig ng mga lola niyo at gumawa ng sariling brush.
Kapag tinatamad magpinta, maglaro ng angry birds.... |
Meron ako ng karamihan sa nakalista dito. Meron akong mamahalin, pero bumili rin ako ng lokal. Pare-pareho ko itong iniingatan, nililinis ng maayos. Hinuhugasan maige pagkatapos gamitin. At tinatabi sa maayos na sisidlan kapag gusto kong maglaro ng angry birds. Parang talento na bigay ni Lord. Magaling ka bang kumanta? Kantahan mo si Lord sa pamamagitan ng pagsali sa singing ministry ng inyong simbahan, kapilya, o kung ano man ang relihyon nyo. Maganda nga boses mo, kung sa beerhouse ka nagkakakanta, sayang.(Puro Bikining Itim ang kinakanta mo!) Magaling ka bang magsulat? Aba, gawa ka ng blog o libro at gawin mong paksa ang magagandang ibinigay ni Lord, o dili kaya, mga kuwentong me aral, hindi yung kwento sa Tiktik o kaya yun bastos na kwento. Drowing, magaling ka? Ok, drowing ka, wag naman yun makakasakit ng iba. Arte, hilig mo? Aba, sali ka ke German Moreno o sa Talentadong Pinoy, wag dun sa sinehan sa Pasay na naghuhubad ang mga palabas. Luto, masarap ba luto mo? Aba, penge......Ibig kong sabihin, aba eh, magnegosyo ka! Maganda kita dyan. Pero dafat, tutoo ha. Kapag sinabi mong goto, eh laman-loob ng baka yan, hindi kalabaw. At kung kalabaw, sabihin mo sa kustomer. (Alam niyo sa Fairview, me lugawan malapit sa FEU Hospital, ang goto nila run, kalabaw.......oo....maitim siya...)
Ganito dapat tayo sa mga ibinigay na talento sa atin ni Lord. Katulad ng mga artist na ubod ng ingat sa kanilang mga brotsa, ganyan din sana tayo sa mga talentong ipinamahagi ni Lord. Iba't -ibang talento, iba't-ibang brushes. Iniingatan, ginagamit sa kabutihan. Ipagmalaki mo, oo, pwede, pero ipagmalaki mo si Lord, na nagbigay nito at ipinagkatiwala sa'yo. Ating tandaan, darating ang araw na isasauli na natin ito sa Kanya. Darating ang araw na mauupod ang brotsa. Pero sana, sa pagka-upod nito, maipagmalaki natin sa Kanyang harapan na ang BROTSA na ipinahiram Niya, ay nagamit natin ayon sa Kanyang kagustuhan.
"brush, brush, brush your teeth, brush it everyday......merrily, merrily, merrily, merrily, life is brotsa dream...."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento